therealstanlee Verified
Showbiz

Stan Lee, kinasuhan ang POW! Entertainment

Kinasuhan ng comic books legend na si Stan Lee ang mga opisyal ng isang entertainment company ng $1 billion damages.

Ito ay dahilan sa pagnanakaw ng kumpanya ng kanyang mga imahe.

Kabilang sa sinampahan ni Lee ang POW! Entertainment CEO na si Shane Duffy at CO-founder na si Gill Champion.

Isinampa ni Lee ang kaso sa Los Angeles County Superior Court at inilathala naman ito sa ilang US entertainment media outlets.

Si Lee ay CO-creator ng maraming superhero characters kabilang ang Black Panther at Spider Man.

Diin ni Lee na sinamantala ng kompanya ang dinaranas niyang kabiguan sa buhay kasunod ng pagpanaw ng kanyang asawang si Joan at pagkakaroon pa niya ng sakit sa mata na macular degenaration.

Dagdag pa rito, ay ginamit din daw ang pangalan ni Lee sa social media accounts para humakot ng milyon-milyong followers sa buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *