Sports

Spurs, dinaig ang Rockets sa OT; serye 3-2 na


Ginapi ng San Antonio Spurs ang mahigpit nitong karibal na Houston Rockets sa overtime game (OT) ng National Basketball Association (NBA) Western Conference Semifinals sa score na 110-107.
Nanguna sa panalo ng Spurs si Kawhi Leonard sa kanyang double-double performance na 22 points at 15 rebounds.
Ipinamalas naman ni Manu Ginobili ang kanyang vintage performance, kung saan ay nakagawa pa ito ng 12 points at 7 rebounds.
Nauwi naman sa wala ang triple-double performance ni MVP candidate James Harden na 33 points at 10 rebounds para sa Rockets.
Hawak na ng Spurs ang 3-2 lead sa Best-of-Seven series.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Biyernes sa home court ng Rockets, kung saan ay pipilitin nitong maitabla ang serye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *