National

Special elections para sa papalit kay Cayetano malabo


Dapat ay magdesisyon ang Kongreso kung magkakaroon ng special elections para sa magiging kapalit ni senador at ngayo’y incoming Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Senador Chiz Escudero, hindi maaaring ibigay sa nanalo sa ikalabintatlong posisyon noong eleksiyon ang puwesto ni Cayetano.
Naideklara na aniya kasing talo ito.
Pero naniniwala si Escudero na hindi mangyayari ang special elections dahil sa ilang taon na lang ang kailangang bunuin ng sinumang papalit kay Cayetano.
Sinabi rin ni Escudero na dapat ay magkaroon ng formal resignation si Cayetano bilang senador bago manungkulan sa DFA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *