Apollo
Kingdom News

Magkasunod na Special Concert Crusade ni Pastor Apollo Quiboloy sa Brazil, naging matagumpay

Matapos ang matagumpay na Special Thanks Giving Worship Presentation sa Sao Paulo, sunod namang binisita ng Hinirang na Anak ng Diyos Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang nagpapatuloy na King is Coming Tour sa Brazil, ang Brasilia.

Nasaksihan ng buong mundo ang espirituwal na kaliwanagan na maaari lamang mapakinggan mula sa itinalagang Anak ng Diyos.

Tulad ng inaasahan, napuno ang lugar kung saan isinagawa ang Special Thanksgiving Worship Presentation.

Sabik ang mga bisita, symphatizers, televiewers at mga tagasubaybay. Sa mga programa ni Pastor Apollo na marinig ang mensahe ng kaligtasan.

Pinangunahan ng Kingdom Musicians ang pagpupuri sa pamamagitan ng mga makalangit at masasayang awitin.

At ang pinakahihintay ng lahat, ang pagbibigay ng sariwang Manna ng Kapahayagan na nagmumula sa Amang Makapangyarihan. Sa pamamagitan ng kanyang Hinirang na anak Pastor Apollo.

Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga lengguwahe ay nagkaisa naman ang mga ito. Sa pamamagitan ng Manna of Revelation na ipinagkaloob ni Pastor Apollo.

At upang makumpleto ang masaganang pagpapala para sa mga nakiisa sa naturang pagtitipon ay nag-alay ng isang espesyal na panalangin ang Hinirang na Anak ng Diyos.

Ang matagumpay na King is Coming Tour ni Pastor Apollo sa Sao Paulo at Brasilia ay patunay na naaabot. Ang apat na sulok ng mundo ng espiritwal na kaliwanagan.

Patuloy  sa pagtutok ang Sonshine Media Network International. Para sa update ng mga gawain ni Pastor Apollo at ng buong Kingdom Nation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *