Bangsamoro Organic Law
National

Speaker Arroyo, tututukan ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law

Tatapusin ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagratipika sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ito ay para agad mapirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay bagong House Speaker Gloria Macapagal Arroyo, ang pagtugon sa kahilingan ng pangulo na mapirmahan ang BOL ay kailangan nang maipatupad.

 Isusulong ang legislative agenda ng Duterte Administration 

Kabilang din sa tutukan ng bagong liderato ang pagsusulong sa legislative agenda ng adminitrasyon.

Hangad Arroyo na matapos na ang pamumulitika sa mababang kapulungan sa kanyang pag-upo sa pwesto.

Ayon  kay House Appropriations Chair Rep. Karlo Alexei Nograles, ngayon araw, Martes, pagbobotohan ang pagkakaron ng bagong majority leader.

Ani House Minority Leader Danny Suarez nasa 50% ng mga Committee Chairmanships ang mababago sa pag-upo ni Arroyo bilang House Speaker.

MJ Mondejar

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *