HINDI pipigilan
National

Sotto, hindi pipigilan si Trillanes na manatili sa Senado

HINDI pipigilan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Senador Antiono Trillanes IV na manatili sa Senado.

Ito ay matapos ibasura ng Korte Suprema ang hinihinging Temporary Restraining Order (TRO) ng Trillanes.

Ang naturang TRO ay inihain laban sa Proclamation No. 572 na nagpapawalang-bisa sa amnestiya ng senador.

Ayon kay Sotto, ibibigay niya kay Trillanes ang desisyon kung lalabas ito sa Senado o hindi.

Dagdag pa ni Sotto, hindi naman nakakasagabal sa aktibidad ng Senado ang pananatili nito.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *