Naantala
National

SONA ni Duterte, naantala dahil sa komosyon sa liderato ng Kamara

Naantala ng higit isang oras ang pagsisimula ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos ang naging komosyon ng mga kongresista kaugnay sa pagpapatalsik kay Representative Pantaleon Alvarez at pag-upo bilang House Speaker ni Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Mayorya ng mga kongresista ay bumoto pabor kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker sa informal meeting.

Sa kabila ng pagpapatalsik, sinalubong pa rin ni ousted House Speaker Pantaleon Alvarez si Pangulong Rodrigo Duterte sa House compound.

Naantalang SONA

Sa halip na alas kwatro ng hapon, alas 5:21 na ng hapon nagsimula ang talumpati ng pangulo.

Samantala, tumagal lamang ng apatnapu’t walong minuto ang speech ng presidente kung saan nagtapos ito ng alas 6:09 ng gabi.

Ito na ang pinakamaikling talumpati ng pangulo mula sa tatlong SONA nito.

Bagaman naantala ng mahigit isang oras ay pinangunahan din ni Alvarez ang ikatlong SONA ng pangulo sa Batasang Pambansa kahit nanumpa si Arroyo bilang bagong House Speaker.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *