Ipinasasauli
National

Sobra-sobrang allowance ni Solgen Calida, ipinasasauli

Ipinasasauli  ng Commission on Audit (COA) kay Solicitor General Jose Calida ang sobra-sobrang allowance na nakuha niya noong nakaraang taon.

Sa record ng COA, umaabot sa P7.46-M ang sobrang allowance na kailangang ibalik ni Calida sa gobyerno.

Base sa 2017 audit report ng COA, 10.7 milyon pesos ang sobrang allowance na tinanggap ng Office of the Solicitor General (OSG) at pinakamalaki rito ang kay Calida.

Nabatid na si Calida ay may taunang suweldo na P1.8-M kung kaya’t ang maaari lamang aniyang tanggapin na honoraria ay nasa siyamnaraang libong piso (P900, 000) sa buong taon.

Sa kabila nito, nanindigan ang OSG na walang iligal sa kanilang sobrang allowance na nakasaad sa batas.

Pinaiimbestigahan ng Bayan Muna

Pinaiimbestigahan ni Bayan Muna Party List Rep. Carlos Isagani Zarate sa Kamara ang Office of the Solicitor General.

Ito ay matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang sobra-sobrang honoraria at allowances na natatanggap ni Solicitor General Jose Calida na umaabot na sa P7.46-M.

Ayon sa COA, hindi dapat lalagpas sa 50-percent ng kanilang annual basic salary ang natatanggap ng isang government official.

Base sa 2017 annual report ng COA, tumanggap si Calida ng P8.376-M.

Sinabi ni Zarate na kung pagbabasehan ang COA circular ay dapat hanggang 913,950 pesos lamang ang maaaring tanggapin ni Calida bilang allowances.

Nais din ni Zarate na imbestigahan ang panukalang nagpapalawak sa kapangyarihan ng Office of the Solicitor General.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *