Showbiz

Snooky Serna, handa nang maging first lady ng Bulacan

Matapos ang mahabang panahon, handa na umanong maging first lady ng Bulacan ang 51 year old na veteran actress na si Snooky Serna.

 Ayon sa aktres, hindi naman maitatago ang kanilang relasyon ng dating Bulacan Vice Governor na si Ramon Valderrama.

Say pa nito, inspired siya ngayon dahil sa kanyang love life.

Umaasa naman si Snooky na malagay na sila sa tahimik at makita ang sarili na maging public servant’s wife kung papalarin na muling makapaglingkod sa kanyang bayan ang soon to be husband nito.

Samantala, muling magsagawa ng one-night show ang rock band na Boyce Avenue sa Araneta Coliseum sa darating na Hunyo 1.

Matatandaan na huling nagtungo sa bansa ang Boyce Avenue noong nakaraang taon kung saan nagkaroon sila ng concert city tour sa Manila, Cebu, Cagayan de Oro, Bacolod at Baguio.

Kabilang naman sa banda ang Manzano brothers na sina Alejandro, Fabian at Daniel.

Naging tanyag ang banda mula pa noong 2007 dahil sa kanilang acoustic covers ng mga popular na awitin.

Makakasama naman sa one-night show ng Boyce avenue si Moira dela Torre na kilala sa awiting ‘Titibo-Tibo’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *