National

SINO ANG MAY KASALANAN? : Paulyn Ubial sinisi ang sinundang kalihim sa DOH na si Enrique Ona, kaugnay sa Dengvaxia vaccine

ISINISI ni Dating Health Secretary Paulyn Ubial si Dating Health Secretary Enrique Ona sa pagpapatupad ng Dengvaxia vaccine.
 
Ayon kay Ubial, si Ona ang responsable sa pakiki-pagtransaksyon sa naturang vaccine sa kumpanyang Sanofi Pasteur.
 
Aniya taong 2014 ng magsimula ang pag-uusap sa dengue vaccine, panahon aniya kung saan kalihim pa ng ahensya si Ona.
 
Taong 2015 nang aprubahan naman aniya ng nagdaang administrasyon ang procurement para sa P3.5-Billion Anti-Dengue Vaccines.
 
Dagdag pa ni Ubial, tinangka pa umano nitong harangin ang pagbili ng naturang vaccine noong siya pa ay assistant secreatary ng DOH.
 
Giit pa ni Ubial, hindi na niya nagawang pigilan ang pagpapatupad ng programa dahil sa posible itong kasuhan at makulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *