Meralco
National

Singil sa kuryente ng Meralco ngayong buwan ng Enero, bababa

MAGANDANG balita para sa mga kostumer ng Meralco, may bawas-singil sa kuryente sa paparating na bill ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa Meralco, mababawasan ng P0.34 ang kada kilowatt hour ang generation charge ngayong January bill.

Katumbas ito ng P68 na bawas sa mga kumokonsumo ng 200 per kilowatt-hour (kwh).

P102 naman sa 300 kwh, P136 sa 400 kwh habang P170 sa mga kumokonsumo ng 500 kwh.

Panukalang taasan ang excise tax sa sigarilyo at alak, aprubado

KINUMPIRMA ng Malacañang ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang taasan ang excise tax sa sigarilyo at alak.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inaprubahan ng pangulo ang proposal ng Departments of Health at Finance.

Sinabi ni Panelo na layunin ng panukala na mabawasan ang pagkamatay at disabilities.

Dahil ito sa sigarilyo at nakalalasing na inumin at isa ring revenue measure para pondohan ang Universal Health Care program.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *