Cuneta
Showbiz

Kris Aquino, nagpasalamat kay Sharon Cuneta

Nagpasalamat si Queen of all Media Kris Aquino kay Sharon Cuneta matapos di umanong ipagtanggol siya nito sa mga bashers.

Kaugnay ito sa kanyang special participation sa Hollywood movie na Crazy Rich Asians.

Ipinagtanngol ni Megastar si Kris sa ilang mga bashers na minamaliit ang role nito sa pelikula.

Sa isang Instagram repost ni Sharon ay inamin ni Kris sa comment section na isa itong Sharonian mula noong bata pa lamang siya.

Sinabi nitong sayang dahil hindi nasaksihan ng kanyang ama na siya ay sinusuportahan ng kanyang childhood idol.

Dagdag pa nito, masaya siya dahil nakakita siya ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Sharon.

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *