Sports

Sharapova naitala ang 1st win matapos magbalik sa tennis


Naitala ni dating tennis world number one Maria Sharapova ang unang panalo nito matapos ang doping ban.
Dinaig ni Sharapova sa first round ng Stuttgart Open si Italian tennis player Roberta Vinci, sa score na 7-5, 6-3.
Nawala nang mahigit isang taon si Sharapova matapos magpositibo sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Sharapova na ang pagkapanalo niya sa laban ang pinakamasayang nangyari sa kanya matapos na magbalik sa tennis court.
Sunod na makahaharap ni Sharapova si Ekaterina Makarova.
Samantala, nangunguna pa rin sa medal standing ng Palarong Pambansa ang National Capital Region (NCR).
Naitala ng NCR ang 59 gold, 32 silver at 25 bronze.
Nasa ikalawang puwesto ang Western Visayas na may 17 gold, 11 silver at 17 bronze.
Samantala, ikatlo naman ang CALABARZON na may 12 gold, 27 silver at 12 bronze.
Ito na ang ikalimang araw ng Palarong Pambansa na matatapos sa Abril 29.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *