Serial bomber
International

Serial bomber sa Austin Texas, may confession video

Bago magpatiwakal ay gumawa muna ng dalawampu’t limang minutong video confession sa kanyang mobile phone ang serial bomber na nasa likod ng serye ng pag-atake sa Austin, Texas.

Idinetalye ng salarin na si Mark Conditt, bente tres anyos mula sa Pflugerville kung paano niya ginawa ang pitong bomba kung saan lima rito ang sumabog.

Gayunman, hindi ibinahagi ng suspek sa video ang kanyang motibo sa serye ng pag-atake sa Austin sa nakalipas na tatlong linggo.

Ayon kay Austin Police Chief Brian Manley, tanging sinabi lamang ni Conditt ay ang mga hamong kinakaharap nito sa kanyang buhay.

Sinabi ng mga otoridad na hindi kailanman nasangkot ang salarin sa gulo o lumabag sa batas subalit siya ang nasa likod ng pagsabog noong marso a-dos na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat ng limang iba pa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *