Italian Open Tennis Tournament
Sports

Serena Williams, umatras sa nagpapatuloy na Italian Open Tennis Tournament

UMATRAS nasa nagpapatuloy na Italian Open Tennis Tournament ang tennis superstar na si Serena Williams.

Sa pahayag ni Williams, sinabi nito na ang kanyang pag- withdraw sa torneyo ay bunsod ng kanyang iniindang injury sa kaliwang tuhod.

Nakatakda sanang makaharap ni Serena ang kanyang kapatid na si Venus Williams sa second round match ng nasabing tournament.

Dahil naman sa pag-withdraw ng 37-year old tennis superstar, ay aabante na sa third round ng kompetisyon ang kapatid na si Venus via Walkover.

Samantala, inaasahan naman ni Serena na makakabalik ito sa paglalaro sa darating na French Open Tournament 2019 na magsisismula ngayong Mayo 26.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *