National

Senador Risa Hontiveros, binuweltahan ng PAO 

Binuweltahan ni Public Attorneys Office Chief Persida-Rueda Acosta si Senador Risa Hontiveros sa pagsasabing may pattern ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa illegal drug operations nito sa bansa.

 

Ayon kay Acosta hindi sa kanila nanggaling ang pahayag na may pattern ang PNP sa malawakang pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga sa bansa.

 

Ginamit ni Hontiveros ang naturang pahayag bilang pagkondena sa umanoy sunud-sunod na mass killings at tila may sinusunod na polisiya ang kapulisan na mariin ding pinabulaanan ng PNP.

 

Ayon kay Acosta, maging siya ay nasasaktan din sa mga bintang laban sa mga pulis kaugnay sa malawakang pagpatay dulot ng drug war campaign ng pamahalaan

.

Giit ng PAO Chief, huwag lahatin ang mga pulis dahil karamihan sa mga ito ay handang ibuwis ang kanilang buhay para sa mga inosenteng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *