binulaga
National

Senado, binulaga ng drug test

Binulaga ng drug test ang mga empleyado ng Senado kahapon, July 30.

Ito ay matapos inanunsyo ni Senate President Vicente Tito Sotto III na magkakaroon agad ng mandatory drug test sa senado matapos ang kanilang flag ceremony.

Ayon kay Sotto ang pagsasagawa ng drug test ay mandato sa lahat ng empleyado ng gobyerno.

Alinsunod ito sa Circular 13 ng Civil Service Commission at nakasaad sa batas batay sa Dangerous Drug Act of 2002.

Idinitalye ni Sotto, na dadaan sa 5 panel test ang lahat ng sasailalim ng drug test sa senado.

Ito ay upang masalang ang lahat ng uri ng illegal drugs.

Matapos ang pag-anunsyo ay pinangunahan ni Sotto ang pagsailalim ng drug test.

Agad naman siyang sinundan ni Senador Gringo Honasan.

Nilinaw rin ni Sotto na ang drug test sa mga senador ay voluntary lamang.

Sang-ayon sila sa kautusan ng pangulo ng senado na mandatory drug test para maging halimbawa ang kanilang opisina sa iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, inanunsyo rin ni Senate President Tito Sotto ang karagdagang limang libong pisong (P5, 000) allowance para sa transportasyon at groceries ng mga kawani ng senado.

Epektibo naman itong ipatutupad ngayong araw, July 31, araw ng Martes.

Ni: Jhomel Santos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *