UPLB
National

Sen. Villar, tumanggap ng honorary degree mula sa UPLB

Pinarangalan bilang ‘honoris causa’ si Sen. Cynthia Villar ng pangunahing paaralan sa agricultural studies sa bansa sa ika-46th Commencement Exercises ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na ginanap sa D.L. Umali Freedom Park, UPLB Laguna.

Kinilala si Villar, Chairperson ng Senate Committees on Agriculture and Food, Environment and Natural Resources, ng University of the Philippines Board of Regents dahil sa kanyang mga nagawa sa agricultural development, poverty alleviation, education at pagtataguyod sa kapakanan ng mga kababaihan at bata.

Ang paggagawad ng honorary degree kay Villar ay sinaksihan ng kanyang asawang si dating Senate President Manny Villar, at ng kanyang mga anak na sina  Paolo, Chief Executive Officer (CEO) ng Vista Land Mark, Secretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Camille, President ng All Home Store.

Pinagkalooban din si Villar ng ilang honorary degrees kabilang ang Doctor of Philosophy in Rural Development mula sa University of Southern Mindanao at Doctor of Humanities mula sa Bataan Peninsula State University at Tarlac Agricultural University.

Noong nakaraang taon, kinilala si Villar bilang Most Distinguished Alumna ng University of the Philippines.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *