suporta
National

Sen. Trillanes, walang makukuhang suporta mula sa PNP

WALANG makukuhang suporta mula sa Philippine National Police si Sen. Antonio Trillanes IV.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief Oscar Albayalde kasunod ng hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis.

Hinamon ng pangulo na magpakalbo ang mga pulis bilang pagpapakita ng suporta kay Trillanes.

Matapos ang pagpapawalang saysay ng pangulo sa amnesty nito.

Ayon kay Albayalde, walang nagpakalbo sa hanay ng kaniyang mga opisyal at nasa dalawandaan libong miyembro ng PNP.

Sinabi ni Albayalde na kontento ang hanay ng mga aktibong pulis at retiradong opisyal sa administrasyon ni Pangulong Duterte.

Iginiit ng PNP chief na hindi kailangang magsagawa ng loyalty check sa hanay ng PNP.

Dahil ang kanilang buong pu­wersa ay nananatiling tapat sa Saligang Batas at protektahan ang interes ng bayan.

Arroyo, ipinauubaya sa korte ang pag-aresto kay Trillanes

IPINAPAUBAYA na ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa korte ang desisyon kung aarestuhin o hindi si Senador Antonio Trillanes IV.

Ito ay matapos ipawalang bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty na iginawad sa senador ng Aquino Administration.

Sinabi ni Arroyo na legal issue ang kinakaharap ngayon ni Trillanes at ang trial court lamang ang may hurisdiksyon dito.

Tumanggi pang magkomento si Arroyo sa kinakaharap na kaso ng senador.

Matatandaan na sa panahon ni Arroyo bilang pangulo naganap ang pag-aaklas ng Magdalo na pinangunahan ni Trillanes.

Bilang pagkondena nito sa umanoy kapalpakan ng Arroyo Administration.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *