Sports

Sen. Manny Pacquiao, muling babalik sa boxing ring sa Abril 2018

MULING magbabalik sa ibabaw ng boxing ring ang Pinoy Ring Icon na si Sen. Manny Pacquiao.
 
Ito ang kinumpirma ng promoter na si Fernando Beltran ng Zanfer Promotions.
 
Sinabi ni Beltran na posibleng maganap ang pagbabalik sa boxing ring ni Pacquiao sa Mexico sa Abril ng susunod na taon.
 
Kasalukuyan na umanong pinaplantsa nila sa kampo ni Pacquiao ang nasabing laban.
 
Plano ni Beltran na maging bahagi si Pacquiao ng isang malaking event sa Mexico City sa 2018.
 
Si Pacquiao ay naging popular sa Mexico dahil sa mga naging laban nito sa mga mehikanong boksingero gaya nina Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Juan Manuel Marquez at Antonio Margarito.
 
Magugunita na ang huling laban ni Pacquiao ay noong Hulyo kung saan naagaw sa kaniya ng Australian Boxer na si Jeff Horn ang WBO welterweight title belt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *