National

Sen. Lacson, nagpahayag ng pangamba sa pagpasok ng Chinese telco sa bansa

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Panfilo Lacson na maaring malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa sa sandaling makapasok ang China telecom.
Ito ang pahayag ni Lacson matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapasok sa Pilipinas ang China telecom.
Inaasahan sa naturang kumpanya na makapagbibigay ito ng mas mabilis na internet sa Pilipinas.
Sa kanyang Twitter account, tinanong ni lacson kung wala nang ibang third alternative o mapagpipilian sa pagitan ng ‘duopoly and national security’.
Sa ngayon ay kontrolado lamang ng dalawang higanteng kumpanya ang local telecommunications industry sa bansa.
Ayon naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat tiyakin na
mapapangalagaan ang national security ng bansa at hindi matitiktikan ang gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *