pagka-senador
National

Sen. Koko Pimentel, unang naghain ng COC para sa pagka-senador

UNANG naghain ng kanyang kandidatura sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections si Sen. Koko Pimentel.

Maagang dumating sa tanggapan ng Comelec sa Maynila si Pimentel sa unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC.

Wala namang kasama si Pimentel mula sa kanilang partido na PDP-Laban na kapwa tatakbo sa pagkasenador.

Una ng sinabi ni Pimentel na mayroong nasa anim hanggang pitong kandidato ang kanilang partido para sa senatorial elections.

Samantala, naghain na rin ng kanyang COC ang sikat na singer na si Freddie Aguilar na kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sakali naman aniyang palarin ito ay kanyang tututukan ang entertainment industry ng bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *