Poe
National

Sen. Grace Poe, nangunguna sa senatoriables sa 2019 midterm elections – Pulse Asia

Nananatiling mataas ang kumpiyansa ng mga Pinoy kay Senadora Grace Poe.

Kasunod ito ng mataas na awareness at voter preference na nakuha ng senadora sa isinagawang survey ng Pulse Asia nitong June 15-21, para sa mga inaasahang magiging senador sa 2019 midterm elections.

Nakuha ni Poe ang 99 percent awareness at 67.4 voter preferences.

Sinundan naman ito ni Taguig Rep. Pia Cayetano na may 97 percent awareness at 55.7 percent voter preference.

Pangatlo naman si Sen. Cynthia Villar na may 96 percent awareness at 50.1 percent voter preference.

Pang-apat naman ang presidential daughter at incumbent Davao City Mayor Sara Duterte na may 95 percent awareness at 46.2 percent voter preference.

Samantala, si dating PNP chief at ngayo’y BUCOR Chief Ronald Bato dela Rosa ay nakakuha ng 100 percent awareness at 37.7 percent voter preference.

Maliban naman sa mga ito, pasok rin sa top 12 senatoriables sina Sen. Sonny Angara, Jinggoy Estrada, Senators Aquilino “Koko” Pinentel III, Nancy Binay, JV Ejercito, Paolo Benigno “Bam” Aquino; at dating Senator Sergio “Serge” Osmena at Lito Lapid.

SMNI News

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *