Drilon
National

Sen. Drilon, pinababantayan ang pagbabago ng konstitusyon

Hinimok ni Senador Franklin Drilon ang publiko na bantayan ang isinusulong na Charter Change para maipagpaliban ang 2019 midterm elections o No Election scenario (No-El).

Sinabi ni Drilon na kung matutuloy ang No-El, ang mga elected officials ay maaaring palitan o i-appoint muli ni Pangulong Rodrigo Duterte. Matapos ang kanilang termino sa June 30, 2019.

Kabilang dito ang walumpu’t apat na congressmen na magtatapos na ang termino at hindi na maaaring tumakbo.

Ayon kay Drilon nangyari na ito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng magkaroon ng synchronize election.

Nakikita ni Drilon na ipipilit ng administrasyon na magpasa ng batas. Para sa gagawing pagpapaliban ng halalan sa susunod na taon.

Termino nina Duterte at Robredo, paiikliin sa Federal Constitution

Paiikliin ang termino nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo sa panukalang Federal Constitution.

Ayon sa tagapagsalita ng Consultative Committee (ConCom) na si Conrado Generoso. Magkakaroon ng eleksyon para sa transition president at vice president oras na maratipikahan ang panukalang bagong konstitusyon.

Sinabi ni Generoso na papalit ang transition president at vice president kina Duterte at Robredo na magsisilbi sa panahon ng transition tungo sa federal system.

Dahil dito, mapapaikli ang termino nina Duterte at Robredo na takdang matapos sa June 30, 2022.

SMNI News

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *