magreresulta
National

Sen. Drilon, ‘di tiyak kung magreresulta ng maayos ang BBL

Hindi sigurado ang isang senador na magreresulta sa maayos na pamumuno sa Bangsamoro ang ipinasang bersyon ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) ng kongreso.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kasunod ng pagbasura ng mga mambabatas sa Anti-Dynasty provision sa panukala.

Tinukoy ni Drilon na lima sa mahihirap na lalawigan sa bansa ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at nandito ang mga political clan, batay sa pag-aaral ng Ateneo de Manila University.

Dagdag ng senador, kapag naaprubahan na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mahirap nang baguhin ang anumang probisyon ng batas.

Umaasa naman si Drilon na sa pamamagitan ng nasabing batas ay mababawasan na ang kahirapan sa Mindanao.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *