SONA
National

Sen. de Lima, sinang-ayunan ang hindi pagdalo sa SONA ni ex P-Noy

Sang-ayon sa Senador Leila de Lima sa desisyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na hindi dumalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 23.

Ayon kay de Lima hindi na kailangan pang magbigay ng rason ng dating pangulo na kalimitang kinokontra ng kasalukuyang administrasyon.

Binigyang-diin ng senadora na malaking kabaliktaran si Duterte kay Aquino.

Aniya, dalawang taon lamang sinira ni Pangulong Duterte ang anim na taong pinagpaguran ng dating pangulo para sa Pilipinas.

Tinukoy ni De Lima ang pinakamalalang fiscal deficit, mataas na presyo ng mga bilihin at mababang halaga ng piso kontra dolyar.

Tiniyak din ng senadora na walang magandang mapapakinggan sa Sona ni Duterte kundi mga pangakong hindi naman natutupad gaya ng nagdaang dalawang Sona.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *