Selena Gomez
Showbiz

Selena Gomez, fastest Instagram user

Kasabay ng 26th birthday celebration ni singer Selena Gomez ang pagdeklara sa kanya bilang “Fastest Instagram User” na umani ng 1 million likes.

Nagpost ang 26-year old singer ng photo gallery sa Instagram na naglalaman ng kaniyang Italian-themed birthday party.

Ito ay agad nakakuha ng 1 million likes sa loob lamang ng 13 minuto.

Sa ngayon, ang nasabing post ay mayroon ng 8.4 million likes at dumarami pa.

Ang singer na si Beyonce ang dating may hawak ng record.

Ito ay  matapos ianunsyo ang kanyang pagbubuntis na nakakuha ng 7.8 million likes sa loob lamang ng 12 na oras.

Natalo din ni Selena si Queen B sa listahan ng Hopper HQ 2018 Richest Celebrities on Instagram dahil sa $800,000 fee na maaaring i-charge ni Selena sa mga companies para i-advertise ang kanilang product.

Samantalang si Beyonce naman ay maaaring mag-charge ng hanggang sa $700,000.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *