special cabinet meeting
National

Security, Justice at Peace Cluster, ipinatawag sa special cabinet meeting

Nagpatawag ng special cabinet meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kasapi ng security justice at peace cabinet cluster sa Malakanyang.

Kasunod ito ng magkakasunod na pamamaslang sa ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.

Dumalo sa pulong sina League of Cities of the Philippines (LCP) National Chairman, Taguig City Mayor Lani Cayetano at LCP National President, Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan.

Kasama din sa pulong sina House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate President Tito Sotto, Sen. Gringo Honasan, Defense Secretary Delfin Lorenzana; mga hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) at iba pa.

Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang Malakanyang sa nangyaring pulong.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *