National

Sec. Andanar, pinabibitiw ang mga taong-gobyerno na nagdadala ng mga dayuhan para mangialam sa pamahalaan

PINAGRE-resign ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang mga taong-gobyerno na nagdadala ng mga dayuhan upang makialam sa internal affairs ng bansa.
Binigyang diin ito ni Andanar sa gitna ng panawagan ng ilang mga opposition congressmen na mag-resignsa pwesto kasunod ng batikos hinggil sa umano’y colorful language na nasabi ng kalihim sa mga taga European Union.
Paliwanag ng communications secretary na sa halip na ang mag-usap-usap sana tungkol sa pulitika ay ang administrasyon at ang nasa kabilang partido, bakit aniya kailangan pang manghikayat ang ilang mga taga-oposisyon ng mga dayuhan para makisawsaw sa internal affairs ng Pilipinas.
Sabi ng kalihim, iyon ang malinaw na pagkakamali ng mga nasa pamahalaan na nagbibitbit ng mga ibang bansa na ang layunin ay panghimasukan ang problema ng Pilipinas at sirain ang independensiya nito.
Sa kabilang banda’y inihayag ni Sec. Andanar na kung anuman ang kanyang nasabi sa isang pagtitipon sa harap ng mga taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa London, ito aniya’y hindi for public consumption at anuman ang kanyang nasabi ay kanyang inihayag sa isang private gathering kasama ang Duterte diehard supporters.
(Ulat mula kay Jannette Africano)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *