search operation
International

Search operation sa Guatemala, sinuspende

Dahil sa masamang lagay ng panahon at peligro mula sa mga volcanic material, kaya’t pansamantala munang sinuspende ang search operation ng otoridad sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan sa Guatemala.

Ayaw ng pamahalaan na malagay sa panganib ang mga buhay ng mga rescuers na ilang araw na ring nagsasagawa ng operasyon matapos sumabog ang Fuego Volcano noong Linggo.

Sa huling tala ng CONRED, ang national disaster coordinating agency ng Guatemala, lumobo na sa 109 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi sa pagsabog ng bulkan.

Nasa 200 iba pa ang naitalang nawawala.

Pinayuhan ng pamahalaan ang mga residente na iwasan muna ang pagpunta sa mga delikado pang mga lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *