Satisfaction rating SWS survey
National

Satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte Tumaas

TUMAAS ang satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS.

Sa resulta ng SWS survey, lumalabas na 79% ng mga Pilipino ang nagsabing kontento sila sa performance ni Pangulong Duterte.

Mataas ito ng limang porsiyento sa 74% sa satisfaction rating na nakuha ng pangulo noong December 2018 survey.

Habang 13 percent, o dalawang porsiyentong mas mababa mula sa 15 percent na naitala noong Disyembre 2018.

Ito ay ang nasabing hindi sila kontento sa performance ni pangulong duterte.

Sa survey, nakakuha ng positive 66 net satisfaction rating ng pangulo na maituturing na “very good” sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan.

Mas mataas ito ng anim na porsyento kumpara sa positive 60 net satisfaction rating ng pangulo noong Disyembre 2018.

Isinagawa ang survey noong Marso 28 hanggang 31 ng taong kasalukuyan sa mga adult Filipinos.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *