sanctions
International

Sanction sa NoKor, hindi tatanggalin hangga’t walang denuclearization

Iiral pa rin ang economic sanctions na ipinataw ng Estados Unidos sa North Korea hangga’t hindi pa nakokompleto ang denuclearization.

Ito ang ginawang pahayag ni US Secretary of State Mike Pompeo sa isang press conference sa Seoul South Korea.

Aniya hindi ibig sabihin na mayroong nalagdaan na kasunduan si President Donald Trump at Kim Jong-un kamakailan sa Singapore ay babawiin na ang ipinataw na sanction ng Amerika sa North Korea.

Ayon sa kanya, “We believe that Kim Jong-un understands the urgency (of denuclearization).”

Dagdag pa ni Pompeo, batid ni Kim kung gaano kahalaga ang agarang pagsira sa lahat ng mga armas nukleyar ng North Korea.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *