San Vicente Airport
Regional

San Vicente Airport sa Palawan, pormal nang pinasinayaan

 

Pormal ng pinasinayaan ngayong araw ng Department of Transportation at ng Civil Aviation Authority  of the Philippines (CAAP) ang San Vicente Airport  o SVA sa Palawan.

Ang nasabing inagurasyon ay pinangunahan ni  Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur P. Tugade, kasama ni  DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Manuel Antonio Tamayo, DOTr Undersecretary for Administration and Finance Gary de Guzman, at CAAP Director General Jim Sydiongco.

Ang nasabing project ay sinimulan pa noong 2009 na nagkakahalaga P62.7-M ang konstruksiyon kung saan layon nito na mas madadagdagan pa ang mga biyahe at ruta ng paglipad ng mga air passenger sa Palawan Island at paigtingin pa  ang turismo sa lugar.

Kung matatandaan, opisyal na binuksan sa SVA  ang operasyon ng mga maliliit na eroplano noong June 22,2017 habang ang air charter flights mula  Air Juan ay inilunsad nito noong  August 2017

 

Ulat ni Cherry light

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *