Sports

San Miguel, lamang na sa PBA Philippine Cup Semifinals kontra Gin Kings

Nasungkit ng San Miguel ang panalo kontra Ginebra matapos na makuha ang iskor na 104-102 sa overtime ng kanilang laban sa 2018 PBA Philippine Cup Semifinals.

Nailusot ni Marcio Lassiter ang game-winning basket sa nasabing laban na nagresulta upang Makuha ng San Miguel ang 2-0 lead kontra Gin Kings.

Sa martes ay muling maghaharap ang Beermen at ang Gin Kings para sa Game 3 sa Mall of Asia Arena.

Nais ng San Miguel na tuldukan ang labanan sa pamamagitan ng 3-0 advantage kontra sa team Ginebra sa muli nilang pagtatapat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *