PBA Governor’s Cup
Sports

San Miguel Beermen, nalaglag na sa PBA Governor’s Cup

NATAPOS man ang kampanya ng San Miguel Beermen sa PBA Governor’s Cup ay wala naman anila silang dapat ikahiya.

Natambakan sila ng Alaska Aces sa score na 96-85 nitong Miyerkules na tuluyang nagpalaglag sa kanila.

Paglilinaw naman ng coach ng Beermen na si Leo Austria na proud pa din ito sa kaniyang team.

Dahil sa huling apat na taon at 12 conferences ay napabilang naman sila sa pitong championship games.

Nag-uwi rin ang kanyang koponan ng anim na kampeonato.

“I’m still proud of the team. Kasi in the last 4 years, 12 conferences, we’ve been in the finals 7 times, and won 6 championships. I think we have nothing to be ashamed of.”

Malaki din ang paniniwala ni Coach Austria na malalagpasan nila ang kanilang 6-5 standing.

Sa muling pagbabalik ni Junmar Fajardo at sa tuloy-tuloy na pagpapalakas ni Christian Standhardinger.

Nagpaabot din ng pagbati si Austria sa Alaska at sinabing well-deserved ang kanilang pagkapanalo.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *