Samar
Regional

Isanlibong sundalo idineploy ng AFP sa Samar

KARAGDAGANG dalawang batalyon o isanlibong sundalo ang idineploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa lalawigan ng Samar.

Ito ay bilang tugon sa Memorandum Order 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na supilin ang ‘state of violence.’

Kinabilangan ito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nananatili sa Negros Occidental, Neg­ros Oriental, Bicol at Samar.  

Ayon kay AFP spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, inisyal pa lamang ang naturang dalawang batalyon.

Habang patuloy pa rin ang assessment sa banta ng karahasan lalo na sa kasagsagan ng midterm election sa Mayo 2019.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng AFP kung ilan pang tropa ang ide-deploy sa mga lugar na tinukoy ng pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *