National

SALN ng mga kongresista, inilabas ng kamara

Inilabas na ng Kamara de Representante ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga kongresista.
Nanguna sa listahan ng pinakamayaman ay si 1-Pacman Partylist Representative Michael Romero na may net worth na higit P7 bilyon.
Sinundan naman ito ni Diwa Partylist Representative Emmeline Aglipay-Villar na may higit isang p1 bilyon net worth.
Pasok din sa top 5 ng mga pinakamayayamang kongresista sina Negros Oriental 3rd District Representative Albie Benitez, Ilocos Norte 2nd District Representative Imelda Marcos, at Quezon City 4th District Representative Sonny Belmonte.
Nasa ika-50 pwesto naman si House Speaker Pantaleon Alvarez na may net worth na higit P 66 milyon.
Pinakamahirap naman sa mga mambabatas si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago NA MAY P50 libo na net worth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *