show
International

Russian President Vladimir Putin may sarili nang TV show

ISANG weekly TV show na tumatagal ng isang oras ang inilaan para kay Russian President Vladimir Putin.

Ang kanyang TV show na pinamagatang ‘Moscow.Kremlin.Putin,”   ay unang ipinalabas sa Rossiya -1 TV station Linggo ng gabi.

Tinalakay ang mga ginagawang hakbang ng presidente para solusyunan ang iba’t ibang problema ng bansa.

Maliban sa buhay politika ay bida rin sa show ni Putin ang kanyang pag-aalaga sa sarili at pagkalinga sa publiko partikular na ang mga kabataan.

Ayon naman kay Dmitry Peskov, spokesman ni Putin, mahalagang malaman ng publiko ang totoong impormasyon at work schedule ng pangulo.

Layunin din ng show na pataasin muli ang ratings ni Putin.

Matatandaang bumaba ang ratings ng pangulo dahil sa kinakaharap na isyu tungkol sa pension system ng bansa.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *