National

Rule of Law at Mutual Respect, pairalin sa ASEAN – Duterte

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bansang kapwa kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ipagpatuloy ang positibong pakikipag-ugnayan sa bawat isa para makamit ang hangarin ng ASEAN.

Ginawa ito ni Pangulong Duterte sa closing ceremony ng 50TH ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.

Aniya, kabilang sa hinahangad ng rehiyon ang mabuhay ang mga mamamayan na malaya sa mga lawless elements at nakakapanlumong epekto ng corruption at transnational crimes.

Ayon pa kay Duterte, hangad ng ASEAN na umiral ang mga democratic institutions, iginagalang at inuunawa ang mga bansa ng bawat isa at ang rule of law ay naghahari sa relasyon sa pagitan ng mga estado.

Dumalo rin sa nasabing selebrasyon sina dating Pangulong Fidel Ramos at Vice President Leni Robredo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *