LTFRB
National

Rollback sa pasahe sa jeep, dedesisyunan ng LTFRB

NAKATAKDANG maglabas ng isang board resolusyon ngayong araw ang LTFRB para sa pagtatakda ng provisional fare sa jeep.

Kasunod ito ng panawagan na ibalik sa P8 ang minumum fare sa jeep.

Dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng diesel.

Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra, pinag-aaralan na nila ngayon ang bawas-pasahe sa dyip.

Alinsunod aniya ito sa kautusan ni DOTr Sec. Art Tugade.

Gayunpaman, wala pa silang eksaktong numero kung magkano ang magiging pansamantalang bagong pasahe sa dyip.

Magugunita naman na noong Nobyembre 2 nang maging epektibo ang P10 minimum fare sa jeep.

Kabilang dito ang mga lugar sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.

Samantala, tuloy naman aniya ang kanilang isasagawang pagdinig bukas.

Para sa petisyon ng United Filipino Consumers and Commuters na ibalik sa minimum na P8 ang pasahe pampubliko dyip.

Ilan pang kumpanya ng langis, magpapatupad ng bigtime rollback

SA ikawalong sunod na linggo, ilan pang kumpanya ng langis ang nakatakdang magpatupad ng panibagong big time oil price rollback.

Magsisimula ang rollback bukas, Disyembre 4.

Sa abiso naman ng PTT Philippines at Petrogazz, P2 ang mababawas sa presyo ng kada litro sa kanilang gasolina at diesel.

Simula ito ng alas 6:00 bukas ng maaga.

Una namang nagpatupad simula nitong Sabado ng tanghali ang ilan pang kumpanya ng langis ng kahalintulad na bawas-presyo sa produktong petrolyo.

Aabot na sa higit P10 ang nabawas sa presyo ng diesel at gasolina habang halos P10 naman sa kerosene.

Ito ay sa loob ng walong sunod-sunod na linggo ng oil price roll back.

Kaya hirit ng United Filipino Consumers and Commuters o UFCC na ibaba na ang kasalukuyang P10 na minimum fare sa jeep.

Ayon kay RJ Javellana, President, UFCC, dapat rin aniyang tugunan ang kanilang aksyon na rollback sa pasahe.

Kung aniya naging basehan ng LTFRB sa pag-apruba sa hirit ng mga transport grupo na dagdag-pasahe ang presyuhan ng diesel.

Giit na nito, base sa kanilang datos mula sa LTFRB, walang piso lamang ang base fare noong Mayo ng 2008.

Kung saan nasa higit P46 ang presyuhan ng diesel kada litro.

Magugunita naman na una ng sinabi ng ilang transport leader na bukas silang mag-rollback sa pasahe sa jeep.

Kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng diesel.

Bukas, nakatakdang dinggin ng LTFRB ang kanilang petisyon para sa pagbabalik sa P8 ng minimum fare sa jeep.

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *