Roger Federer at Serena Williams
Sports

Roger Federer at Serena Williams, nagharap sa Hopman Cup

PINAKITAAN ng dalawang tennis stars na sina Roger Federer at Serena Williams ang higit 14,000 fans ng kanilang angking galing.

Ito ay nang nagtunggali ang dalawa sa Hopman Cup.

Naipanalo naman ni Federer kasama ni Belinda Bencic ng Team Switzerland ang una nilang paghaharap ni Williams kasama si Frances Tiafoe ng Team USA.

Ito ay sa mixed doubles na nagtapos sa victory score na 4-2, 4-3 (3).

Makakapasok naman sa finals ang defending champion na Switzerland kung maipapanalo nila ang kanilang magiging match sa Group B kontra sa Greece.

Ito ay gaganapin ngayong darating na Huwebes.

Bigo man ang Team USA na maka-abante sa tournament, ay malaki pa din ang pasasalamat at kagalakan ni Williams.

Dahil nakapaglaro aniya siya kasama ang isa sa pinakamahusay na manlalaro ng tennis.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *