International

Resolusyong itigil ang US military support sa Yemen, isinulong

NAGWAGI ang ilang U.S. Senators na isulong ang War Powers Resolution Act sa botong 63 – 37.

Kung maisasabatas ito, ay ititigil na ang U.S. military support sa Saudi na nakikipaglaban sa mga rebelde sa Yemen.

Pumabor sa resolusyon ang mga Democrats at iilang Republicans na hindi kontento sa ginagawang aksyon ni Trump laban sa Saudi.

Kaugnay ito sa pagkamatay ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.

Dismayado rin ang ilang mambabatas sa hindi pagdalo ni CIA Chief Gina Haspel sa Senate hearing.

Kungsaan ay personal na napakinggan nito ang audio umano ng pagkamatay ni Khashoggi.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *