National

Research na ginagawa ng mga Chinese scientists sa Benham Rise, kailangan i-monitor – Solon

MAHIGPIT na pinababantayan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga Chinese scientists na nagsasagawa ng research sa Benham Rise.
Ito ay upang matiyak na hindi magtatayo ng anumang istraktura sa nasabing lugar ang China.
Iginiit ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na kailangan close monitoring ng Pilipinas sa mga ginagawa ng naturang mga Chinese scientists.
Hinimok ni Biazon ang pamahalaan na magpadala ng intelligence officers sa Benham Rise.
Matatandaan na pinayagan ng ng Pilipinas ang China na magsagawa ng Research sa Benham Rise dahil sa ibang kakulangan ng bansa sa pangangailangan ng nasabing pananaliksik.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *