Republicans
International

Republicans, naghain ng batas na maghihigpit sa mga Chinese

ILANG Republicans ang naghain ng panukalang-batas sa U.S. Congress noong Martes na naglalayong higpitan ang pagbibigay ng US visas sa mga Chinese students at researchers na empleyado o suportado ng Chinese military.

Ito ay matapos magpahayag ng pagkabahala ang ilang U.S. Officials sa posibilidad ng pagnanakaw ng intellectual property o pag-eespiya ng ilang Chinese nationals sa iba’t ibang unibersidad at institusyon sa kanilang bansa.

Gayunpaman ay patuloy na kinikilala ng US officials at mga unibersidad ang kahalagahan ng mga Chinese students at scholars sa kanilang bansa bagama’t iniisip din nila ang posibleng panganib na dala nito.

SMNINEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *