National

Report ng consultative committee sa Cha-Cha, target na maisumite sa Hulyo

Target ng Consultative Committee (Con-Com) na maisumite ang kanilang report hinggil sa pag-aaral sa Saligang Batas sa Hulyo a-nuebe.

Pagtantiya ito ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na siya ring chairman ng Con-Com.

Sinabi ni Puno na sa unang en banc session ng Con-Com ay bumuo sila ng pitong subcommittees para sa ilang mga isyu sa pag-aamyenda ng Saligang Batas.

Ilan aniya rito ang structure of federal government, creation, economic reforms and fiscal administration, social and political reforms at transition amendments.

Samantala, iminungkahi naman ni Attorney Christian Monsod, miyembro ng Koalisyon Laban sa Charter Change (Cha-Cha) at isa sa framers ng konstitusyon ang pagbuo ng reporma.

Aniya, posibleng mauwi sa “disintegration” ang pagpapalit sa Saligang Batas patungong pederalismo kung walang magiging reporma.

Kabilang sa mga rekomendasyon nito ay ang pagpasa ng Anti-Political Dynasty Law at pagpapalakas sa political party system sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *