Minority leader
National

Rep. Suarez, lehitimong House Minority leader – Rep. Garbin

Iginiit ni Deputy Minority Leader at AKO Bicol Party List Rep. Alfredo Garbin na si Quezon Rep. Danilo Suarez ang kinikilala ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bilang lehitimong House Minority leader.

Ito ay matapos ipatawag si Suarez sa pagpupulong ng House Committee on Rules.

Bukod kay Suarez, nag-a-apply din bilang Minority group sa Kamara ang grupo nina dating Majority leader Rudy Fariñas at Marikina Rep. Miro Quimbo.

VP Robredo, iginiit na ang grupo ni Rep. Quimbo ng Minority Bloc

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na dapat ang grupo ni Marikina Rep.  Miro Quimbo ang kilalaning Minority Bloc sa Kamara.

Ito ang pahayag ni Robredo sa gitna ng usaping hindi pa nareresolba ang isyu ng house Minority Group at pagkakaroon ng paksyon sa pagitan ng tatlong grupo na nais kilalaning leadership organization.

Ayon sa bise presidente, ang pagresolba sa isyu ng agawan sa puwesto sa Kamara ay pagsubok sa liderato ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Sina Robredo at Quimbo ay kapwa kabilang sa Liberal Party.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *