Minority
National

Rep. Quimbo, itinalagang pinuno ng ‘Duly-Constituted Minority’

Itinalagang bagong lider Minority Bloc ng Kamara si Marikina Rep. Miro Quimbo.

Binubuo ng 12 Liberal Party (LP) congressmen ang bagong minorya sa kamara kung saan si Quezon City Representative Kit Belmonte ang Secretary General.

Dahil dito, nagbitiw na si Quimbo bilang House Deputy Speaker ng pinatalsik na House Speaker na si Congressman Pantaleon Alvarez.

Ayon kay Quimbo, ipapaalam na nila kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na sila na ang bagong minorya sa Kamara.

Nanindigan naman si Quimbo na sila ang lehitimong Minority Bloc sa Kamara.

Taliwas ito sa naging pahayag ni Quezon Province Representative Danilo Suarez na sila ang minorya.

Iginiit ni Quimbo na sa ilalim ng rules ng Kamara, tanging ang mga nag-abstain sa botohan sa speakership post ang mapapabilang sa Minority Bloc.

Ayon kay Quimbo, malabong sina Suarez ang minority bloc dahil bumoto at nangampanya pa ang mga ito para kay dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang lider ng Kamara.

Ipinakita ni Quimbo ang manifesto kung saan unang lumagda si Suarez na sinundan ni Buhay Party List Representative Lito Atienza.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *