National

Rekomendasyon sa posibleng ‘Martial Law extension’ sa Mindanao, isusumite bago ang taong 2018- AFP

ISUSUMITE na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanilang rekomendasyon kung palalawigin o hindi ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, ang kanilang rekomendasyon ay ipapadaan sa Cabinet Security Cluster.
Sinabi ni Padilla na layunin ng AFP na i-degrade ang kapabilidad ng mga terorista sa Mindanao para hindi na maging banta sa seguridad.
Paliwanag pa ni Padilla na bukod sa Maute Terror Group ay kailangan din i-neutralize ng AFP ang iba pang threat groups sa Mindanao gaya ng New People’s Army at Bangsamoro Freedom Fighters.
Sinisikap daw ng AFP na ma-achieve ang target na ito sa panahon na ibinigay sa kanila.
Sa Disyembre 31 magtatapos ang pinaiiral na Martial Law sa Mindanao kung hindi na ito muling palalawigin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
(Ulat mula sa DZAR Sonshine Radio-Manila)
 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *