rekomendasyon
National

Rekomendasyon ng pagbawi ng excise tax sa langis, ‘di babawiin

WALANG balak ang mga economic managers na bawiin ang isinumiteng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nakasaad sa naturang rekomendasyon na isuspinde ang excise tax sa produktong0 petrolyo sa susunod na taon.

Ito ay sa kabila na sunod-sunod ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga nakaraang linggo.

Sinabi ni Finance Assistant Sec. Tony Lambino na naihain na nila ang nasabing rekomendasyon.

Ito’y sa panahon na ang kanilang forecast ay maaaring umabot sa 80-dolars per barrel ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sa ngayon, ayon kay Energy Sec. Alfonso Cusi, nasa humigit kumulang 70-dollars per barrel ang presyo ng langis.

At inaasahang mananatili ito sa ganitong presyo sa mga susunod na buwan.

Umaasa ang Department of Energy na sa susunod na linggo ay muling magtatapyas sa presyo ng produktong base sa sitwasyon sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Lambino, hinihintay na lang nila ang approval ni Pangulong Duterte sa kanilang rekomendasyon.

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *