PET
National

Reklamo ni Marcos sa “PET outing”, propaganda lang ayon kay Robredo

Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang inihaing reklamo ni dating Senador Bong-Bong Marcos sa Presidential Elections Tribunal (PET) kaugnay sa isang kontrobersyal na outing kamakailan ng mga opisyal ng PET.

Sa nasabing outing, nakitang magkakasama sa beach ang 24 na revisors mula sa PET at isang revisor naman mula sa kampo ng pangalawang pangulo.

Dahil dito ay agad na sumugod ang kampo ni Marcos sa Tribunal, na may hawak ng kanyang electoral protest upang ireklamo at ipatanggal ang revisor ni Robredo dahil sa posibleng “infiltration”.

Ayon kay Robredo, “Given the context, hindi kailangan (i-disqualify). Apparently for quite some time now medyo grabe yung initan sa loob (ng recount center) kaya naisipan ng mga head revisors na ayain yung kampo namin at ni Mr. Marcos sa isang gathering (swimming). 

Giit din ni Robredo na imposibleng hindi alam ni Marcos ang nasabing outing dahil si Marcos pa umano ang nag sponsor ng pagkain.

Pakiusap (ko) kay Mr. Marcos, alam niya yung totoo. Sana mahinto na yung pagsisinungaling niya,” dagdag pa ni Robredo

 Sa kabilang panig ay una nang inihayag ng kampo ni Marcos na ang nasabing outing ay kasuklam-suklam dahil hindi ito nararapat.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez malinaw ang conflict of interest sa panig ng mga head revisors ng PET nangunguna sa manual recount batay sa inihaing election protest ni Marcos laban kay Robredo.

Troy Gomez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *